Nasa P9.7 billion o nasa 86.87% sa kabuuang P11.2 billion pondo na cash assistance para sa mga low-income beneficiaries na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) ang naipamahagi na ng mga local government units sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano nasa 9.7 million beneficiaries na ang nakatanggap ng ayuda sa NCR.
Sa ngayon ang mga siyudad ng Caloocan, Navotas ang naka kumpleto na sa pamamahagi ng ayuda.
Habang ang siyudad ng Pasay, Malabon at ang munisipalidad ng Pateros ay naka abot na sa 98% ang distribution rate at inaasahang makukumpleto na sa katapusan ng buwan ng Agosto.
Ang siyudad naman ng Manila ay natapos na rin ang kanilang payout ng ECQ aid Huwebes ng gabi.
Inihayag din ng kalihim na ang probinsiya ng Laguna at Bataan ay may progreso din sa pamamahagi ng kanilang ayuda.
Una ng inihayag ni Ano na kanilang inextend ang deadline sa pamamahagi ng ayuda sa mga low-income individuals sa Metro Manila hanggang August 31.