-- Advertisements --

Nakakumpiska ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P850-milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa PDEA nakuha nila ang 125 kilograms na droga na nakalagay sa loob ng isang plastic tea bags.

Isinagawa ang operasyon sa bayan ng Bugallon kung saan naaresto rin ang isang 40-anyos na Chinese national at residente ng Paliparan 3 sa lungsod ng Cavite ganun din ang 54-anyos na si alyas “Gardo” na residente ng Mampang, Zamboanga City sa Zamboanga Del Sur.

Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta ng ilang araw na pagmamanman sa mga suspek.

Kasama nila sa operayon ang local na kapulisan, National Intelligence Coordinating Agency (NICA); at Armed Forces of the Philippines (AFP) Counterintelligence Group.