CEBU – Arestado ang isang High Value Individual City level sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa FF. Cruz St., Barangay Subangdaku, lungsod ng Mandaue, Cebu.

Kinilala ang naaresto na si Edsan Quilaton Canillo, 29 taong gulang, at residente ng C.Padilla St., Barangay Sawang Calero, lungsod ng Cebu.

Nasabat ng mga miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng halos P7-milyon.

Nakabilanggo na ngayon ang suspek sa Mandaue City Police Office habang inihanda na ang kasong ihahain laban dito.