Nasa P61.2 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at PDEA sa ikinasang buy bust operatio kaninang alas-4:20 ng hapon sa may West 4th Ave corner Quezon Avenue, Quezon City.
Kinilala ni PDEG Chief Brig. Gen. Romeo Caramat Jr.ang suspek na si Mark Anthony Carlos y Gregorio alias “TonTon”, lalaki,binata, 28 y/o at residente ng 191 New Sta. Rita Bata, San Miguel, Bulacan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 Art 2 ng RA 9165 ang suspek.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang siyam na vacuum sealed transparent plastic packs na naglalaman white crystalline substance na inilagay sa GUANYINWANG Chinese tea bag na pinaniniwalang shabu.
Ang nasabing iligal na droga ay may timbang na siyam na kilo at may market value na Php 61.2 Million.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG sa kampo Crame ang suspek.