Nakatakdang bumiyahe sa France si Ombudsman Jesus Crispin Remulla para balaan ang mga opisyal nito dahil sa ginagawang taguan ang bansa sa mga may mabibigat na kaso sa Pilipinas.
Ayon kay Remulla na naniniwala itong nasa Paris si dating Representative Zaldy Co na nahaharap ngayon sa kasong graft na may kaugnayan sa anomalya sa mga flood control sa bansa.
Sinabi pa ni Remulla na kaniyang kakausapin ang mga justice ministry at ilang mga otoridad doon sa France.
Naniniwala ito na aayawan ng French government na mabahiran ng anomalya dahil sa mga ginagawang pagtatago ng mga may kaso sa Pilipinas.
Bukod kay Co ay sinabi ni Remulla na nandoon din sina Senator Loren Legarda at anak nitong si Representative Leandro Leviste.
Si Legarda ay naghain ng medical leave kung saan kasama ang anak nitong si Batangas Rep. Leviste na sangkot sa anomalya sa solar power projects.














