Aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang construction worker sa lungsod ng Makati kagabi.

Isinagawa ng PDEA-NCR ang entrapment operation sa 12th Ave., C-5 Road sa Brgy. East Rembo at nagpositibong naaresto ang suspek.

Nasa mahigit isang kilo na hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad.

Inihahanda na ng mga PDEA ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.