-- Advertisements --

Iminumungkahi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025.
Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024.

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan sa government spending.

Malaking tulong ang mga ito sa para sa mga mahihirap at vulnerable sector.

Siniguro din ni Balisacan na patuloy din na suportahan ang mga build better more projects ng pamahalaan upang mapanatili ang infrastructure spending na katumbas ng 5-6% hanggang sa taong 2028.

Sa kabilang dako, inaasahan din ang pagtaas sa 4.270 trillion ang revenues ng pamahalaan ngayong taon.

Inihayag din ng kalihim na posibleng tataas pa ang revenue ng gobyerno sa 6.078 trillion sa taong 2028 lalo at inaasahan ang mga reporma sa tax administration para sa pagpapalakas sa Philippine tax system.