pdeg2

Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City kagabi,December 5,2020.


Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao.

Kinilala ni PNP DEG Director BGen. Ronald Lee ang dalawang naarestong drug suspeks na sina Marlon Bayan, 32-anyos tubong Camarines Norte at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos mula sa bayan ng Talitay sa Maguindanao.

pdeg

Nakuha sa posisyon ng dfalawa ang nasa walong kilo ng high grade shabu at ang sasakyan na Ford Ranger na siyang ginagamit sa pagtransport ng illegal drugs.

Sa report ni Lee kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naging matagumpay ang operasyon matapos pumayag ang dalawa na bentahan ang police poseur buyer ng malaking halaga ng shabu.

Batay sa report ng PDEG ang mga nahuling suspeks ay mga regular couriers ng shabu mula Manila patungong Mindanao.