-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) kasama ang Department of Agriculture (DA) ang nasa mahigit P50 million halaga ng smuggled na mga sibuyas na umano’y nagmula na naman sa bansang China.

Noong Nobyembre 3 dumaong ang barko na karga ang 18 na container vans sa Mindanao Container Terminal (MCT) ng Tagoloan, Misamis Oriental at tuluyang binuksan sa harap ng publiko mismo nitong araw.

Sinabi ni MCT collector John Simon na unang ipinagkunwari ng consignee na R2H Trading na acified cream at smoked crawfish ang kargamento subalit mga sibuyas mula China ang mga ito dahilan na kinumpiska.

Inihayag ni Simon na naging madali ang pagka-intercept ng ilegal na kargamento dahil sa aktibong inter-agency sub-group on economic intelligence dahilan na naka-kustodiya na ng Customs ang mga ito.

Natuklasan na maraming paglabag ang consignee sa nakasaad sa batas na usaping imporotation dahilan na mananagot ang nasa likod nang pagpupuslit ng mga kargamentong ito.