-- Advertisements --

Isasantabi ng Kamara ang P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.

Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang siyang nag-anunsyo nito sa isang media forum nitong tanghali.

“We’ve decided that for the normalcy of business in Congress, we’ve decided to set aside a certain amount for the vaccines, for purchasing of vaccines for our employees times five. So five of their immediate family members will be included, mainly because we want the legislative mill to be grinding,” ani Velasco.

Sinabi ng lider ng Kamara na maging ang mga miyembro ng House media at lima sa pamilya ng mga ito ay makakasama rin sa COVID-19 vaccination sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Pagkatapos na maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga empleyado at media, susunod namang babakunahan ang mga miyembro ng Kamara.

“We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media and their families. And kung may natira, then that’s the time we use them for the House members and also five of the immediate members of their family,” ani Velasco.

Nauna nang sinabi ni Vaccine czar at National Task Force Chief Implementor Secretary Carlito Galvez Jr. na tatlo hanggang sa apat na bakuna ang tinitingan ng pamahalaan para gamitin posible sa second quarter ng susunod na taon.

Sa ngayon, tatlong bakuna na nasa negosasyon na ay ang gawa ng AztraZeneca, Sinovac, at Pfizer.