-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na simula sa susunod na buwan ay matatanggap na ng lahat ng national athletes ang dagdag na P5,000 sa knailang buwanang sahod.
Sinabi ni PSC chairman Patrick Gregorio, na ito ang naaprubahan ng PSC board na ipatupad na ang across-the-board na pagtaas sa sahod.
Dagdag pa nito na napapanahon na mabigyan ang mga atleta at coaches ng dagdag na allowances dahil ang P10,000 na allowance ay daig pa ang minimum wage na sahod sa bansa.
Naglabas na rin ng advisory si Atty. Guillermo Iroy , ang OIC executive director for government sports agency, na matatanggap na ang dagdag na allowance sa susunod na buwan.