-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine Sports Commission (PSC) na wala ng magiging aberya pa at handa na sila sa hosting ng kauna-unahang Philippine Women’s Open.

Ayon kay PSC chairman Patric Gregorio, na bago ang tournament qualifiers sa araw ng Sabado ay 100 percent ng handa ang tennis court sa Rizal Memorial Sports Complex.

Marami aniyang mga pagbabago silang inayos gaya sa mga fan zone, garden at mismo ang playing courts.

Mula pa noong buwan ng Disyembre ay nagtulong-tulong ang PSC, Department of Public Works and Highways at City Government ng Maynila para maisaayos ang Rizal Memorial Sports complex.

Magsisimula ang Philippine Women’s Open main draw matches mula Enero 26 hanggan 31 habang ang qualifiers ay magsisimula mula Enero 24 hanggang 25.