Inilabas na ng Philippine Tennis Association (PHILTA) ang presyo ng ticket at kung kailang ang pagsisimula ng bentahan para sa nalalapit na Philippine Women’s Open ang kauna-unahang WTA tournament sa bansa.
Magsisimula ngayong , Enero 14 ang bentahan ng tickets para sa qualifying at main draw matches.
Ang qualifying matches ay mula Enero 24 hanggang 25 habang ang main draw matches ay mula Enero 26 hanggang 29.
Nagkakahalaga ang tickets para sa qualifying matches ng P200 kada araw habang ang unang apat na araw ng main draw matches ay nagkakahalaga ng P1,000 free seating kada araw.
Ayon kay PHILTA Executive Director Tonette Mendoza na maari silang makabili ng tickets online.
Magbabago naman ang presyo ng tickets pagdating ng semifinals at finals kung saan iaanunsiyo ang pagsisimula ng bentahan nito sa susunod na linggo.
Nagkakahalaga ang semifinals ticket ng P1,500 habang ang finals ay P2,0000 na reserved seating.
Gaganapin ang Philippine Women’s Open mula Enero 26-31 sa Rizal Memorial Stadium.
















