Iriga city

NAGA CITY – Umabot sa P4.7-million halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang katao sa Zone 6, Barangay San Isidro, Iriga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay King Lucero, Provincial Officer ng PDEA-Camarines Sur, sinabi nitong tinatayang nasa 500 hanggang 700 grams ng pinaniniwalaang shabu ang kanilang nakumpiska sa mga suspek.

Ayon kay Lucero, naaresto ang dalawang suspek, malapit lamang sa isang sementeryo sa naturang lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.