-- Advertisements --

Pormal nang sinimulan ng Kamara ang plenary deliberation nito para sa 2020 General Appropriations Bill (GAB) o panukalang P4.1-trillion national budget sa susunod na taon.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab na layunin ng mas mataas na pondo na bigyang alokasyon ang mga programa ng gobyerno.

Sa ilalim daw kasi nito, makakamit ang development objectives ng pamahalaan sa pamamagitan nang pag-invest sa mga priority programs, kabilang na ang sa infrastructure at social services.

“The P4.1 trillion budget reflects the government’s resolve to allocate the annual available resources only to those programs and projects which are better planned and can be executed and completed within the budget year by agencies based on their implementation capacities,” ani Ungab.

Umaasa ang kongresista na sa pamamagitan ng mga alokasyon sa ilalim ng 2020 proposed national budget ay mabibigyan ng solusyon ang problema sa kahirapan at inequality sa bansa.

Mas mataas ng 12 percent ang inilaang pondo ngayong ng mga kongresista para sa Fiscal Year 2020 kumpara sa P3.6-trillion 2019 General Appropriations Act.

Target daw kasi nilang masolusyunan ang problema sa kahirapan at inqeuality, ani Vice Chiarman Elenita Buhain.

Bukod dito, nakatuon din umano ang pondo para sa public services na makapagbibigay ng trabaho at edukasyon, pagpapabuti sa healthcare system, at pagpapaganda sa ekonomiya ng bansa.

“Without improved human capital though equitable, sustainable and quality health care, especially for the poor, it will be difficult to build the country’s human capital to supply the required workforce for new jobs and investments essential to sustain a 7-8 inclusive economic growth per year,” ani Buhain.

Kaugnay nito, tiniyak ni House Minority Leader Benny Abante ang suporta sa mabilis na pagpasa ng 2020 proposed budget bago ang Congressional break sa Oktubre 4.