-- Advertisements --
Dennis Uy
Dennis Uy (c) Forbes{

Nilinaw ng logistics firm na 2Go Group Inc. na libre nilang pinahiram sa gobyerno ang dalawa sa kanilang barko upang gawin bilang floating quarantine facilites para sa mga COVID-19 patients.

Paglilinaw ito ng chairman ng 2Go Group Inc. na si Dennis Uy matapos inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa isang briefing na P35 million ang renta ng pamahalaan sa dalawang barko.

Sa isang statment, sinabi ni Uy na ang actual cost para sa operation ng dalawang barko bilang quarantine facilities ay nagkakahalaga ng P260 million.

Ang P35 million na sinasabi aniya ni Tugade ay alok lamang sa kanila kapalit nga nang paggamit sa kanilang barko bilang floating quarantine facilities.

Pero binigyang diin ni Uy na walang balak silang mga shareholders ng 2Go Group Inc. na tanggapin ang bayad na ito mula sa pamahalaan.

Naniniwala aniya sila na higit na kailangan sa panahon ngayon, sa gitna ng kinakaharap ng krisis bunsod ng COVID-19 pandemic, ay mas mahalaga na magtulungan ang pribadong sekto at ang pamahalaan.

2GO ship

“Again, I apologize if this news has unduly offended some of our fellow Filipinos, so let me be clear, 2GO is providing two vessels to serve as quarantine facilities free of charge to the Filipino people. Even if the government offers to pay the P35 million  we in 2GO, in good conscience, have no intentions of accepting their offer,” dagdag pa nito.

Nabatid na si Uy ay isa sa mga top contributors sa election campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Sinasabing aabot sa P30 million ang iniambag nito sa kampanya ni Duterte.