Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy hanggang 2026 ang P300 bilyong pondo para sa mga flood control project, basta’t may sapat na safeguards.
Sa kanyang pagbisita sa Gonzaga, Cagayan, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng maayos na proposal, program of work, at pagtanggap ng lokal na pamahalaan bilang bagong pamantayan sa pagpapatupad ng proyekto.
Tiniyak din ng pangulo na hindi mauulit ang mga nakaraang pang-aabuso sa paggamit ng pondo para sa imprastruktura.
Aniya, ang pamahalaan ay tagapag-ingat lamang ng pera ng taumbayan at dapat itong gamitin nang wasto para sa kapakanan ng lahat.
Inatasan din ni Marcos ang paglilipat ng P255.5 bilyong pondo mula sa DPWH patungo sa mga prayoridad na programa ng ibang ahensya ng gobyerno.