IMG d13f86f4f9fd12c44a18ab432c90ffbf V

Nakatakda nang isailalim sa inquest proceedings ang mga suspek na nagbebenta ng mga Chinese medicines, pagkain at cosmetic product eksklusibo lamang sa mga Chinese nationals.

Ang mga kontrabando na nasabat sa warehouse sa Clarhills sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga ay nagkakahalaga lahat ng P20,000,000. 

Sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) Operatives na pinangunahan ni Atty. Rustico Vigilia, Regional Director, NBI-CELRO tatlo ang mga Chinese nationals na nahuli.

IMG 1eb4c221cf9dfcbddb6c145785c845be V

Kabilang dito sina Zidong Guo, 53 na nagpapakilalang doctor sa kanyang mga Chinese customers, Chen Weiming, 31 at Hong Quiao Ling, 28.

Ang pagkakaaresto sa tatlong Chinese ay kasunod na rin ng positive test-buy na isinagawa ng NBI.

Base sa mga impormasyon, ang naturang bodega ay siya ring pinanggagalingan ng mga supply ng gamot sa makeshift medical facilities na ni-raid ng mga otoridad sa Brgy. Anunas, Angeles City and Fontana, Clark, Mabalacat City.

Sa ngayon ay nakaditine na ang mga suspek sa NBI-CELRO detention facility at humaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 2383 (The Medical Act of 1959) at Republic Act 3720 (The Food, Drug and Cosmetic Act).