-- Advertisements --

Nasa P2 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Delfin Lorenzana kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailan ay pagsisilbihan sa takdang panahon.


Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamayan nang walang tulong mula sa ibang bansa.

Pero kung may mga tutulong ay welcome ito sa pamahalaan.

Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon ay ongoing pa ang assesment ng kapinsalaan na dulot ng bagyo.

Ang priority aniya sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima, at Inatasan na niya ang AFP na ideploy ang lahat ng available assets para dito.

Samantala, umalis kahapon mula sa Cavite City ang BRP Agta (LC290) patungong Cebu City dala ang halos 15 Tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng bagyong “Odette”.

Nauna rito, naghatid ng 7000 kahon ng pagkain ang Phil. Navy sa Siargao sakay ng BRP Ivatan (LC298).

Ipinadala din ng Phil. Navy sa sa Siargao ang BRP Ang Pangulo (ACS25) na pinagamit ng Pangulong Duterte Bilang Floating hospital.

Una nang sinabi ni Phil. Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza na Bukod sa mga naturang barko, nakahanda rin ang Navy na ideploy ang BRP Tarlac (LD601), BRP Bacolod City (LC550), at BRP Iwak (LC289), para tumulong sa

Humanitarian ang Disaster Relief Operations sa mga lugar na lubhang napinsala ng bagyong “Odette”.