Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug suspeks kung saan nakuhanan ng nasa P2.4 million halaga ng marijuana bricks.
Kinilala ni PDEA central Luzon Regional Director Christian Frivaldo ang dalawang inarestong suspek na sina: Julius Castro, 24- anyos ng Hilario St. Brgy. Ligtasan at si John David Tapar, 28-anyos at residente ng 3712 Karina Street, Brgy San Sebastian, pawang mga residente ng Tarlac City.
Sinabi ni Frivaldo ang dalawang suspek ay nakipag transaksiyon sa isang PDEA agents na nagpanggap na bibili nang marjuana, at nang nabot na ang kontrabando agad itong inaresto.
Nakuha sa mga suspeks ang 20 bricks dried marijuana leaves na may timbang na 20 kilos; isang cellphone; buy-bust money; at isang unit na Ford Ranger.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa at kasalukuyang nakulong sa PDEA detention unit.