-- Advertisements --
Naging tensiyado ang harapan ng mga protester at kapulisan ng Israel.
Hinarangan ng mga protester at nagsunog pa sila ng mga gulong ng sasakyan sa ilang kalsada ng Tel Aviv at Jerusalem.
Karamihan sa mga ito ay mga kaanak ng bihag ng mga Hamas.
Nanawagan din ang mga ito ng pagtigil ng kaguluhan sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ilang katao na rin ang naaresto ng mga otoridad dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta.