-- Advertisements --

Inanunsiyo nina popstar Taylor Swift at nobyong si Travis Kelce na sila ay engaged na.

Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kung saan may katagang “Your English teacher and your gym teacher are getting married”.

Ibinahagi rin nila ang mga larawan na makikita ang suot na diamond ring ng singer at ang pagluhod ng football star sa pag-alok ng kasal sa singer.

Sa halos ng dalawang taon na relasyon na nagsimula noong Setyembre 2023 ng dumalo si Swift sa halos lahat ng mga laro ng Kansas City Chiefs games.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga fans ng dalawa matapos na mabalitaan ang engagement.