US 1
-- Advertisements --

US1

Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng donasyon na mga anti-terrorism equipment at sasakyan mula sa United States Embassy para mapalakas pa ng pambansang pulisya ang kanilang kampanya laban sa terorismo para mapabuti pa ang estado ng seguridad ng bansa.

Ang nasabing mga kagamitan ay personal na iniabot ng Bureau of Diplomatic Security, Office of Anti-Terrorism Assistance (DS/T/ATA), sa pamummuno ni Stephen Lesniak, regional security officer ng US Embassy.

Ang mga natanggap na anti-terrorism equipment ng PNP ay ang 18 sets ng Cellebrite at 57 units na laptop computers na ibinigay sa PNP Anti-Cyber Crime Group (ACG) habang ang apat na units na Ford Ranger, anim na units ng bomb suit, limang units ng logo scanner at Veterinary Equipment/Aircon/ Clinic Renovation ay ibinigay naman sa Explosive Ordnance Disposal K9 Group EOD/K9.

Habang ang isang unit ng Ford Ranger, anim na units ng Harris Radio, Tactical Medicine Kits, Crisis Response Team Equipment, Advance Crisis Response Team Equipment at First Response to Medical Stabilization Kits ay ibinigay sa PNP Special Action Force (SAF).

-- Advertisement --
US3

Si PNP Directorate for Logistics M/Gen. Angelito Casimiro ang tumanggap sa nasabing donasyon bilang representative ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Lubos naman ang pasasalamat ni Eleazar sa US Embassy sa pagbibigay sa kanila ng mga kagamitan na kanilang magagamit lalo na sa kampanya laban sa terorismo.

Ayon naman kay M/Gen. Casimiro, malaking bagay sa PNP ang mga donasyong kagamitan na lalo pang mapalakas ang kanilang counter-terrorism capabilities.

Magugunita na naglabas ng terror-threat ang Japan sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas.

Kapwa naman siniguro ng PNP at AFP na walang dapat ikabahala dahil kontrolado nila ang sitwasyon.