Iniulat ng Marcos administration na nasa kabuang P14.5 billion investment pledges ang nakuha kasunod ng mga pulong na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ASEAN-Japan Commemorative Summit na ginanap sa Tokyo, Japan.
Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges tinatatayang nasa kabuuang 15,750 job opportunities ang ma generate.
Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. natutuwa siya na ang mga letters of intent na nilagdaan nuong February 2023 at yung nilagdaang kasunduan ngayong araw ay aabot na sa P771.6 billion o nasa US$14 billion na pledges mula sa mgaJapanese investors.
Nagpasalamat naman ang chief executive sa mga Japanese investors na nagpahayag ng interes na maglagak ng investment sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo ang mga nagpahayag na mamuhunan sa bansa ay mula sa semi-conductors, healthcare to infrastructure at agriculture.
Inihayag naman ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go ang DTI-led event ay nakapaglagda ng siyam na bagong memorandum of understandings (MOUs) na nagkakahalaga ng P14 billion.