-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga ulat na umano’y maling spelling ng middle name ni Pangulong Rodrigo Duterte sa official P1,000 banknote.
Sa statement, sinabi ng central bank na ang P1,000 banknote na inilabas sa isang online story ay hindi legal tender batay sa isinagawang beripikasyon.
Nakasaad sa statement ng BSP na ang serial number sa nasabing banknote ay hindi nagma-match sa alinmang inisyu ng BSP for the 1000-Piso Enhanced New Generation Currency banknote.
Una ng lumabas kamakailan ang isang online article ng Esquire Philippines na ang middle name ni Pangulong Duterte na Roa ay naging “Boa” sa isang larawan ng P1,000 bill na naka-post sa Wikipedia.