GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa sanhi ng sunog na sumiklab sa isang poultry house sa Brgy Tinagacan sa lungsod ng Heneral Santos.
Ayon kay Fire Officer 3 Lester John Muñez, imbestigador ng BFP-Gensan na nakatanggap ng tawag ang kanilang tanggapan hinggil sa sunog kahapon alas-6:57 ng umaga kaya naman mabilis silang nakaresponde. Kasama nila sa pag-apula ng apoy ang barangay firetruck, kasama na ang non government organization na mga firetruck.
Mahigit isang oras na nalabanan ng mga bumbero ang sunog matapos itong ideklarang fire out alas-8:24 ng umaga.
Sa pahayag ni FO3 Muñez, pagdating ng rumespondeng team sa lugar ay malaki na ang apoy na nagresulta sa mahigit 30,000 alagang manok ang natusta.
Tinatayang aabot sa P10 milyon ang pinsala ng sunog, gayunpaman, walang namatay sa insidente. vc______. Officer 3 Lester John Muñez, imbestigador ng BFP-Gensan.