CEBU CITY – Aabot sa P1-million na halaga ng droga ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA-Central Visayas at Talisay City PNP sa dalawang suspek kahapon sa Brgy. Tabunok, sa lungsod ng Talisay, Cebu.

Na-aresto sa buybust operation sina Jeneric Antiga, 25-anyos at si Carlito Encorporado, 24-taong gulang pawang residente ng Brgy. Jaclopan sa nasabing lungsod.

Nasamsam galing sa mga suspek ang dalawang medium-sized at dalawang large heat-sealed transparent plastic sachet sa hinihinalang shabu na may bigat ng 250 gramos at aabot ang halaga sa P1.7-milyon

Nakuha rin sa pinangyarihang ng operasyon ang P500 ng buybust money, isang maliit na plastic na sample sa iligal na drogas at isang motorsiklo.

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makuha kung saan galing ang mga shabu nasamsam sa mga suspek.

Habang, kakaharapin ng mga dalawang suspek ang kasong paglabag sa Section 5 to Section 26 , Article 2 sa RA 9165.