drug3
-- Advertisements --

drug2

Arestado ang dalawang drug suspeks sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Navotas City Police Station, Northern Police District (NPD) nuong Biyernes ng gabi October 15,2021 bandang alas-10:52 sa may bahagi ng C4 Road, Barangay Bagumbayan North, Navotas City.

Kinilala ni NCRPO Chief PMGen. Vicente Danao Jr. ang naarestong dalawang drug suspeks na sina Lean Balauro aka Lean, 32-anyos, kilalang pusher at kabilang sa drug watchlist ng Navotas PNP at Dave Abila aka Dave.

Batay sa ulat na inisumite ni NPD Director BGen.Jose Hidalgo kay MGen. Danao na nagkasa sila ng buy bust operation kasama ang PDEA laban sa mga suspeks na matagal na rin nilang minomonitor.

Isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer kung saan binentahan siya ng isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.00.

-- Advertisement --

Nakumpiska sa posisyon ng mga suspeks ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalaang naglalaman ng umano’y shabu.

Nasa kabuuang 150 grams ng iligal na droga ang nasabat sa dalawa na may market value na mahigit P1 million.

drug1

” Tuloy-tuloy po ang ating operasyon sa buong kamaynilaan kontra sa lagana na paggamit at pagbebenta ng ilgal na droga. Asahan po ninyong hindi magsasawa ang mga kapulisan sa pagsasagawa ng mga operasyon upang kahit papaano at unti-unti nating matuldukan kundi man mabawasan ang matagal na problema sa iligal na droga,” pahayag ni MGen. Danao.

Umapela naman si Danao sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at agad isuplong ang sinumang gumagawa ng mga iligal na pagbebenta o paggamit ng droga.

” Maging mapagmatyag tayo sa ating kapaligiran at tayo ay magtulungan para sa maayos at tahimik na komunidad para sa ating mga anak,” dagdag pa ni MGen. Danao.