Naibigay na ng Department of Health (DOH) ang tig-P1 million cash assistance ng pamahalaan sa 26 na health workers na namatay dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 17 naman sa 18 health workers na nagkasakit at gumaling sa sakit ang nabigyan ng tig-P100,000 ayuda.

Dalawa naman sa mga health workers na namatay ang hindi mabibigyan ng P1million dahil sa eligibility issue.

Sa ilalim ng “Bayanihan to Heal as One Act,” bibigyan ng P1 million ang mga health worker na namatay sa COVId-19 at P100,000 naman sa mga gumaling.

Sa talaan ng DOH, 32 health workers ang namatay dahil sa COVID-19.

Ngayong araw, June 9 ang ibinigay na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOHsa pagbibigay ng kompensasyon sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19.