-- Advertisements --

china

Dumating na sa bansa ang unang batch ng P1- bilyong pisong halaga ng kagamitan na donsayon ng China sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Arsenio Andolong, ang unang batch na nagkakahalaga ng P585 milyong piso ay binubuo ng rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits at transport vehicles.

May kasama ding engineering equipment tulad ng backhoes, dumptrucks, forklifts, at earthmovers.

Ang kagamitan ay pormal na iti-turn over sa DND at AFP sa susunod na buwan.

Ang ikalawang batch ng kagamitan na nagkakahalaga ng P415 milyong piso ay nakatakdang ipadala sa bansa kasunod nito.

” A second batch worth of RMB 54 million will be delivered on a later date,” pahayag ni Andolong.