NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng mag-tiyuhin matapos mahulihan ng halos P1.5 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu sa Lorevilla St, Zone 5, San Felipe, Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Neil Besin, 46-anyos at Roy Christopher Besin, 32-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ariel Blanco, station commander ng Naga City Police Office (NCPO)-Station 3, sinabi nitong nahuli ang dalawa sa pinag-isang pwersa ng PDEA Camarines Norte, PDEA Camarines Sur at PNP-Naga.

Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang plastic bag na may lamang humigit kumulang sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1.5 M.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.