-- Advertisements --
Nasa mahigit 200 kilos ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang magkasunod na anti-drug operations sa Imus at Bacoor, Cavite.
Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1.5 bilyon ang nakumpiskang droga.
Napatay sa operasyon sa Molno III, Bacoor ang dalawang lalaki matapos na manlaban sa mga otoridad kung saan unang nakumpiska dito ang 181 kilos ng droga na nagkakahalaga ng P1.25-B.
Arestado naman ang mag-asawa sa operasyon ng mga otoridad sa Bahay ng Pag-Asa sa Brgy. Magdalo sa Imus.
Nagkakahalaga ng P326 milyon ang nakumpiska sa mag-asawa.