-- Advertisements --
Kasalukuyang nasa Code White Alert ang Department of Health (DOH) ngayong panahon ng All Saint’s Day at All Soul’s Day.
Sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, na mayroong mga emergency team itong nakalagay sa lahat ng mga sementeryo sa bansa.
Maging sa mga expressways at mga lugar kung saan marami ang tao ay nagtalaga sila ng emergency ambulance.
Patuloy din ng pagpapaalala nito sa mga may sakit na dahil na rin ang kanilang mga gamot o mabuti pang manatili na lamang sa kanilang mga bahay.
Nitong bisperas ng Undas ay inikot ng kalihim ang mga sementeryo sa Metro Manila.
















