CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspected bigtime drug pushers na umano’y nagmula sa Bukidnon subalit naaresto ng PNP Drug Enforcement Group Special Unit ng BARMM sa Barangay Carmen,Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Police Lt Col Cobra,team leader ng PNP PDEG BARMM ang suspected drug pushers na si Lendi Lou Gorgonia na umano’y target nila sa operasyon kasama si Alfredo Tuyor na lahat taga-Bukidnon at nakatakas si Saiben Edris na residente naman sa Barangay Balulang nitong lungsod.
Inihayag ni Cobra na nagmula sa malaking grupo ng sindikato ng ilegal na droga ang tatlo na kumikikos sa Mindanao kaya umaabot ang kanilang paghahabol sa mga ito sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ng opisyal na nakompiska mula sa mga suspek ang tinatayang mahigit-kumulang 200 gramo ng suspected shabu na mayroong estimated street value na P1.3-M, P500-000 buy bust money; pribadong sasakyan ni Saiben at ibang mga ebedensiya.
Samantala,todo tanggi naman si Gorgonia at iginiit na personal online business lamang ang pinagka-abalahan nito at hindi kailanman nasangkot sa illegal drug transaction.