Pinawi ng kampo ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pangamba ng publiko hinggil sa lagay ng kalusugan nito.

Kasunod yan ng ulat na nagtungo ngayong araw sa Makati Medical Center (MMC) ang dating presidente.

Ayon kay dating Usec. Abigail Valte, tagapagsalita ni Aquino, pumunta lamang ang dating presidente sa pagamutan para sa scheduled check up at routine procedure.

Nakausap din daw niya ang dating lider at nagbiro pa ito na hindi dapat mag-isip na kailangan niya ng heart surgery dahil ang problema lang naman niya ay broken hearted daw siya.

Nagpasalamat naman ito sa pag-aalala ng marami sa kaniyang kalagayan.