Reading Time: 1 minute
ceres bus
Ceres Bus

BACOLOD CITY – Sa kabila ng gusot sa kanilang pamilya, nangako ang Yanson matriarch at ang malaking bus company sa Pilipinas na magbibigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga pasahero na namatay kasabay ng trahedya sa Iloilo Strait nitong nakalipas na Agosto 3.

Sa pamamagitan ng OVY Foundation ni Olivia Villaflores Yanson at Ceres Liner, sa partnership ng Bombo Radyo Philippines, tatanggap ang pamilya ng 31 mga namatay sa Iloilo Strait tragedy.

Nasa P10,000 ang financial assistance bawat biktima kaya’t aabot sa P310,000 ang kabuuang ipamimigay ng OVY Foundation at Ceres Liner.

Ayon sa OVY Foundation, naniniwala ang mga ito na kompleto, direkta at kaagad na makararating sa pamilya ng mga biktima ang P10,000 na financial assistance.

Tiwala rin ang foundation at Ceres Liner sa kakayahan ng Bombo Radyo lalo na sa pagbibigay serbisyo publiko kaya’t minabuti ng kompaniya na idaan sa Bombo Radyo ang pag-turn-over ng tulong pinansyal.

GUIMARAS ILOILO RELATIVES flower