Pumanaw na sa edad na 90 ang Scottish actor na si Sean Connery, ang pinaka-una at isa sa mga pinakamatagal na gumanap sa sikat na fictional character na si James Bond.

Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Jason sa isang international report.

Sa loob ng apat na dekada, pitong beses ginampanan ni Connery ang sikat na intelligence officer character.

Noong 2000, ginawaran ng knightood ang pumanaw na aktor dahil sa kanyang ambag sa larangan ng sining simula 1962.

Bukod sa pagiging “James Bond,” nagpamalas din ni Connery ng kanyang talento sa ilan pang classic movies tulad ng Marnie, Murder on the Orient Express, Indiana Jones and the Last Crusade.

Nanalo ng kinapipitagang Academy Award o Oscars si Sean noong 1987 nang gampanan niya ang supporting role na si Chicago cop Jim Malone sa pelikulang The Untouchables.(CNN/BBC)