Voters registration Comelec vote Bombo
-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na palalawigin pa nila ang oras sa isinasagawa ngayong voters registration.

cropped Commissioner Rowena Guanzon
Comelec Comissioner Rowena Guanzon

Ayon sa kanya post sa social media account, ang voters registration ay haggang alas-7:00 na ng gabi mula Lunes at Biyernes hanggang Oktubre 29.

Ito ay liban lamang sa araw ng Sabado na magbubukas ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon upang bigyan daan pa rin ang maraming humahabol na ating mga kababayan.

“Voter registration hours extended to 7PM Mondays to Fridays up to Oct 29. Saturdays 8am to 5PM.”

Una nang naitala ng Comelec na umaabot na sa 6.1 million ang mga bagong botante at kalahati sa mga ito ay mga kababaihan o umaabot sa tatlong milyon.

-- Advertisement --

Doon sa mga magpaparehistro, 15 araw na lamang mula ngayon ay magtatapos na ang deadline na una nang na-extend ng komisyon.