Tumawid na ang Bagyong Opong sa Sibuyan at Tablas Islands sa lalawigan ng Romblon at kasalukuyang kumikilos patungong katimugang bahagi ng Mindoro.
Ang sentro ng Bagyong Opong ay tinatayang nasa baybayin ng Ferrol, Romblon.
May pinakamalakas na hangin na umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin hanggang 150 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 3
Batangas, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro
Hilagang bahagi ng Aklan at Caluya Island
Signal No. 2
Katimugang bahagi ng Zambales, Bataan, katimugang bahagi ng Pampanga, katimugang bahagi ng Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, katimugang bahagi ng Quezon, katimugang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Calamian Islands, Cuyo Islands
Hilagang bahagi ng Antique, natitirang bahagi ng Aklan, Capiz, hilagang bahagi ng Iloilo, hilagang bahagi ng Negros Occidental, hilagang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands, kanlurang bahagi ng Northern Samar, kanlurang bahagi ng Samar
Signal No. 1
Pangasinan, natitirang bahagi ng Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, katimugang bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Pampanga, natitirang bahagi ng Bulacan, natitirang bahagi ng Quezon, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Catanduanes, hilagang bahagi ng Palawan
Natitirang bahagi ng Antique, natitirang bahagi ng Iloilo, Guimaras, gitnang bahagi ng Negros Occidental, hilagang bahagi ng Negros Oriental, hilagang at gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes Islands, hilagang bahagi ng Bohol, natitirang bahagi ng Northern Samar, natitirang bahagi ng Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte