Reading Time: 1 minute

VIGAN CITY – Makakasuhan ang isang babae matapos itong maireklamo dahil sa iligal na operasyon ng ipinagbabawal na slot machine sa Barangay Teppeng, Sinait, Ilocos Sur.

Nakilala ang suspek na si Janet Abella na 28-anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report na nakalap ng Bombo Radyo Vigan mula kay Captain Bryan Tacazon, hepe ng Sinait municipal police station, bago sila pumunta sa lugar dumaan muna sa verification process ang report ng isang concerned citizen hinggil sa iligal na operasyon ng slot machine.

Nang makarating umano sa lugar ang mga otoridad, hindi sinabi ng suspek kung saan nito nakuha ang slot machine kaya isa ito sa mga masusing iniimbestigahan nila.

Sa pamamagitan ng vault cutter, binuksan ng mga otoridad ang slot machine at nakita sa loob nito ang tig-li-limang piso na bet money na aabot sa kabuuang halaga na P4,600 dahil isang linggo umano itong hindi kinolekta ng suspek.