ILOILO CITY – Dinayo ng mga turista at deboto ni Sr. Sto. Niño ang Opening Salvo ng Dinagyang Festival 2020.
Ala-1:00 ng Biyernes ng hapon, isinara ang major roads sa City Proper Area upang bigyang-daan ang parada at performance ng mga tribo na sasali sa Dagyang sa Calle Real at Dinagyang 360 degrees.
Dahil dito, half day lamang ang klase sa mga paaralan lalong-lalo na sa City Proper area.
Bandang alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang programa sa pamamagitan ng invocation ni Fr. Raymond Alcayaga, kura paroko ng San Jose Placer Parish Church, sinundan ng mensahe ni Iloilo Festivals Foundation Inc. President Atty. Joebert Peñaflorida, Iloilo City Mayor Jerry Treñas at Iloilo City Lone District Rep. Jam-Jam Baronda.
Pagkatapos nito, opisyal ng ideneklara ang pagsimula ng Dinagyang Fever sa lungsod ng Iloilo na sinundan ng pagpapakilala sa11 kandidata sa Miss Iloilo 2020.
Pagkatapos ng programa, natunghayan ng lahat ang world class peformance ng barangay at school-based tribes kung saan mayroong inilagay na LED screen.
Bago nagtapos ang programa, isinagawa ang 10-minute fireworks display.