-- Advertisements --

Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa lalo pang pagdami ng online scammers ngayong “ber months.”

Ayon kay Atty. Oliver Leonardo, OIC ng enforcement and investor protection department ng SEC, kasabay ng pagdami ng mga lehitimong negosyo, sinasamantala rin ang ganitong panahon ng mga bogus na negosyante.

Karamihan umano ay sa pamamagitan ng online transactions, dahil hindi gaanong lumalabas ang mga tao.

Pakiusap ni Leonardo, gumawa sana ng pormal na reklamo ang mga nabibiktima ng scam, para mahabol ang mga kawatan at hindi na makapambiktima pa.

Kwento ng opisyal, madalas na inaabandona na ng mga complainant ang kaso kapag tumatagal na ng ilang buwan, dahil ayaw nang maabala ng mga ito.

Sa ganitong sitwasyon, humihina ang bigat ng kaso dahil nawawala ang supporting data at iba pang ebidensya.

Abiso pa ng SEC, baka mas dumami ang scammers ngayong holiday season, dahil ugali na ng marami na humabol sa holiday rush.