Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa banta ng tsunami.
Ito ay kasunod ng tatlong malalakas na lindol na yumanig sa may east coast ng Kamchatka, Russia nitong hapon ng Linggo, July 20.
Unang tumama ang lindol na may lakas na magnitude 5.0, sinundan ng magnitude 6.7 at magnitude 7.4.
Nagbunsod naman ito sa U.S. Geological Survey na mag-isyu ng babala kaugnay sa posibleng banta ng mapanganib na tsunami waves sa loob ng 300 kilometers ng episentro ng lindol sa karagatang Pasipiko.
Subalit, tiniyak naman ng Phivolcs na nasa ligtas na distansiya ang baybayin ng PH mula sa mga naitalang lindol.
Kayat wala aniyang inaasahang banta ng mapaminsalamg tsunami sa bansa mula sa naturang mga pagyanig.