-- Advertisements --
Nananatili pa ring normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng masungit na panahon.
Subalit nag-abiso ang pamunuan ng paliparan sa posibleng pagkaantala ng flights dahil sa patuloy na pag-ulan at bugso ng hanging nakakaapekto sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya dahil sa habagat.
Hinihimok din ang mga biyahero na patungo sa NAIA na magdoble ingat at magplano nang maaga, magbigay ng karagdagang oras sa pagbiyahe dahil sa posibleng pagbaha at trapiko, at manatiling updated hinggil sa lagay ng panahon at sa airline channels.
Pinapaalalahanan din ang mga pasahero na mag-ingat, dahil madulas o lubog sa baha ang mga kalsada.