Inihayag ni House Committee on Public Accounts Chair at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, halos 200 mambabatas na ang nagpahayag ng suporta para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Ridon na kumpiyansa ang House Committee on Justice dahil sa mga nakalap na ebidensya, kabilang ang umano’y bilyong pisong transaksyon na dumaan sa mga account na may kaugnayan sa pamilya Duterte, pati na rin ang mga alegasyon ng pondo na hinihiling na maibalik.
Dagdag pa niya, maaaring umabot pa sa 250 ang boto pabor sa impeachment, mas mataas kumpara sa unang complaint noong 2025.
Nauna nang inaprubahan ng House Justice Committee ang ulat na nagrerekomenda ng impeachment at pagsasampa ng Articles of Impeachment sa Senado para sa paglilitis. (report by Bombo Jai)
















