Ibinabalang makaranas ng “danger” level heat index ang labing-tatlong lugar sa bansa ngayong Lunes, Mayo 4.
Base sa forecast, maaaring makapagtala ng heat index na pumapalo sa 42 degrees Celsius hanggang 44 degrees Celsius.
Ang pinakamataas na temperaturang na 44 degrees Celsius ay inaasahang tatama sa Dagupan City.
Habang ang Sinait, Ilocos Sur at Laoag City Ilocos Norte naman ay inaasahang makakapagtala ng 43 degrees Celsius.
Ang mga lugar naman na inaasahang makakaranas ng 42°C ay ang MMSU, Batac Ilocos Norte; Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; San Ildefonso, Bulacan; TAU Camiling, Tarlac; San Jose, Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Maasin, Southern Leyte; at Davao City, Davao del Sur.
Samantala, tinatayang makararanas naman ng “extreme caution” heat index levels o 33 degrees Celsius hanggang 41 degrees Celsius sa 61 lugar kabilang ang dalawang lugar sa Metro Manila.
Tanging ang Tanay, Rizal naman ang inaasahang isasailalim sa “caution level,” na may heat index na 32 degrees Celsius.










