-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na ang target na pagsasagawa ng botohan sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Mayo 11 ay nakabatay sa desisyon ng Korte Suprema na naglalayong mabigyan ng due process ang respondents.

Ayon kay Luistro, binigyang-diin ng korte na kailangang mabigyan ng sapat na oras ang mga mambabatas upang mabasa at mapag-aralan ang article of impeachment at mga ebidensya bago ang botohan, isang kakulangan na naging batayan sa pagbasura ng unang impeachment attempt laban sa Bise Presidente.

Saad pa ng mambabatas na kung maipapamahagi agad ang kopya ng committee report, sapat na ang limang araw para ito ay mapag-aralan bago ang botohan sa plenaryo.

Dagdag pa ni Luistro, magkakaroon ng sponsorship speech, interpellations, at mosyon para sa botohan kapag tinalakay na ang ulat sa plenaryo.