supreme court
Supreme Court
-- Advertisements --
bar topnotchers

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagaw ang Supreme Court (SC) ang online oath-taking ceremony para sa mga bagong abagoado sa bansa na pumasa sa 2019 bar exam.

Ayon sa SC inaprubahan ng en banc ngayong araw lamang ang resolusyon na pumapayag na magsagawa ng oath-taking ceremony sa Hunyo 25 sa pamamagitan ng online video conference at mapapanood ito sa government television network.

Ang hakbang ng Korte Suprema ay dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Sinabi ng kataas-taasang hukuman na hindi raw posible na magsagawa ng tradisyunal na oath-taking ceremony dahil sa covid pandemic.

Isinaalang-alang din umano ng SC ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan kaugnay ng public health partikular ang mass gatherings.

-- Advertisement --

Ngayong taon, mahigit 2,000 bagong mga abogado ang manunumpa.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na ang resolusyon sa oath-taking ay “pro hac vice,” ibig sabihin dahil sa kasalukuyang pandemic ang naturang resolution ay exclusive lamang sa mga 2019 Bar passers.

 Karaniwang isinasagawa ang oath taking ceremony ng mga bagong abogado sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.