-- Advertisements --

Hinihikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na gawin na lamang online ang pangangaroling ngayong taon.

Kasunod na rion ito ng panukala na magbabawal sa nakagisnan nang street caroling ng mga bata dahil sa nananatiling banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Año, bawal pa rin ang personal at face to face caroling dahil hindi pa nafa-flatten ang curve ng deadly virus sa Pilipinas kaya’t mas makakabuti aniya na sa internet na lamang isagawa ang pangangaroling.

Una nang nagpahayag ng suporta ang Joint Task Force COVID Shield sa naturang rekomendasyon lalo na at nalalapit na ang araw ng Pasko.

Sinabi naman ni JTF COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na hinihintay na lamang nila ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases tungkol dito.