Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga report na ito raw ay “less fatal” kompara sa ibang variants ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ayon kay Salvana, maaaring mas “less deadly” ang Omicron kompara sa Delta variant pero puwede pa rin itong magdulot nang pagkamatay ng mga nasa vulnerable at unvaccinated populations.
Base sa mga datos aniya, mayroon pa rin kasing one-thirds na posibilidad na magdulot ng severse disease ang Omicron variant, na maaring ikamatay ng mga sektor ng madaling mahawaan at mga hindi pa bakunado.
Nitong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaring maging “dominant” o mangibabaw ang Omicron sa bansa sa susunod na tatlo hanggang apat na linggo.
Samantala, pinapayuhan naman ni Dr. Salvana ang publiko na lagyan ng dalawang linggong pagitan ang pagpapabakuna kontra influenza at COVID-19.
Ito ay para mas maayos na ma-document kung ano ang maaring magdulot ng posibleng maranasang “adverse effects” gayong karamihan sa mga COVID-19 vaccines ay ginagamit dahil sa emergency use authorization pa lamang.